Umawat sa away ng mag-asawa.. Nanay, todas sa anak na parak
- Jeff Tumbado
- Nov 28, 2019
- 1 min read

Huli ang isang pulis makaraang mabaril at mapatay umano ang kanyang ina sa Nueva Ecija.
Nakikipagtalo umano sa kanyang kinakasama ang suspek na si Police Major Dante Cabungcal at namagitan ang nanay na si Purita.
Gayunman, hindi napigilan ang galit ng pulis at sinasabing ilang beses itong nagpaputok ng baril at tinamaan ng bala si Purita na kanyang ikinamatay.
Sugatan naman ang menor-de-edad na pamangkin ni Cabungcal.
Apat na oras nanatili sa loob ng bahay ang suspek kasama ang kanyang ka-live-in bago ito sumuko sa mga awtoridad.
Depensa ni Cabungcal, nabigla lang siya sa pangyayari kaya nabaril ang ina.





Comments