top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Target na koleksiyon kulang ng P104-bilyon, BIR lagot

Jeff Tumbado
Nov 28, 2019
1 min read

Aabot umano sa P104 bilyon ang kulang sa target na koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kasalukuyang taon.

Kasabay nito, iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na kailangang magpaliwanag ang BIR sa mababang revenue collection sa kabila ng pag-iral ng TRAIN Law.

Aabot aniya sa P2.2 trilyon ang dapat na makolekta ng BIR para ngayong 2019 pero, sa huling rekord hanggang Oktubre ay nasa P1.7 trilyon pa lang ang koleksiyon ng ahensiya.

Paliwanag ng mambabatas, kahit mas mataas ang nasabing halaga sa koleksiyon nito noong 2018 sa kaparehong panahon ay kapos pa rin ito sa target na ibinigay ng Developmental Budget Coordinating Committee.

Isinisi aniya ng BIR ang pagbaba ng koleksiyon sa naantalang pagpasa ng 2019 National Budget at ang pag-angkat ng mga kumpanya ng langis ng petroleum products sa halip na mag-refine sa bansa.

Dahil sa importasyon na ito, sinabi ni Salceda na nawala sa BIR ang P55 bilyong koleksiyon ng fuel excise tax.

Ang Bureau of Customs na sana ang dapat mangolekta ng buwis sa importasyon pero, duda si Salceda na magiging mataas ang koleksiyon ng ahensiya dahil sa talamak na smuggling sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page