Para-paraan… Ion, may 13th month pay kay Vice kapalit ng kiss
- Ronalyn Seminiano
- Nov 28, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

‘Kaaliw ang segment ng It’s Showtime na KapareWho noong Nov. 25. Twenty-five ang monthsary nina Vice Ganda at Ion Perez. At nang nagdala si Ion ng juice para sa mga “KalaWhok” at kay Vice, may langaw na lumipad sa baso.
Ani Vice, “Wala na tuloy akong nainom, Ion!”
Kinuha ni Ion ang isa pang baso at nilagyan ng juice. Aniya, “Meron pa, ito, oh. ‘Di puwedeng wala.”
Kilig na kilig ang mga fans and supporters ng dalawa nu’ng sinabi ni Vice na “Pa’no ‘yan, ako lang ang meron, wala ka?” na sinagot naman ni Ion ng “Okey lang kasi lahat naman ng kakulangan sa puso ko, napuno mo, eh.”
Natanong naman ni Jhong Hilario si Ion ng “Ion, kung one year and 1 month na kayo, ilang months na ‘yun?”
Sagot naman ni Ion, “13 po.”
At biglang sumingit si Vice. Aniya, “Dahil 13 months na tayo, ‘wag kang mag-alala, mamaya, may 13th month pay ka!”
Nagtawanan ang lahat at ang nasabi na lang ni Jhong ay “Iba! Napakayabang mo!”
Kuwento naman ni Vice, “Kanina, nasa eroplano kami, kiniss niya ‘ko dito (cheeks). Sabi ko, ‘Ay, bakit mo ‘ko kiniss?’ Sabi niya, ‘13th month gift ko sa ‘yo,’” kaya lalong naghiyawan ang ViceIon fans.




Comments