Magtulungan sa pag-host ng SEAG, pasilidad nakaayos na

Handang-handa na ang mga pasilidad na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos dumaan sa matinding pagsasaayos para muling magamit ng mga atletang lalahok sa 30th Southeast Asian Games na pormal na magbubukas simula Nob. 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Inanunsiyo ni PSC chairman at Chef De Mission William “Butch” Ramirez ang pagtatapos ng pagkukumpuni at pagsasa-ayos ng Rizal Basketball Coliseum, Ninoy Aquino Stadium, Rizal Football Field, RMSC lawn tennis court sa Manila City at ang mga pasilidad sa Philsports Arena sa Pasig City. Samantala, umapela si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa mga Filipino na magkaisa at manindigang tumulong sa pagho-host ng bansa para sa 30th SEAG. Pinaalalahanan niya ang sambayanan na matatagalang muli bago makapag-host ang bansa ng biennial meet na aabot ng hanggang 10-12 years. Ito ang ika-apat na beses na hahawakan ng bansa ang 11-nation tournament sa loob ng 12 araw na kompetisyon.
Matatandang pinukol at inabot ng sandamakmak na pagkakamali at kakulangan ang mga lokal na organizers dahil sa hindi nito matugunan ang mga pangangailangan ng mga foreign delegates kabilang na ang akomodasyon, transportation at mga pangangailangan sa araw-araw.
“We all make mistakes that’s why we should work together. Those in the social media, the netizens, let’s move on first with our hosting,” saad ni Tolentino at pinuno ng Philippine cycling. “It’s normal. “I’ve experienced that myself,” dagdag nito hinggil sa mga reklamong natanggap ng mga taga-ibang bansa.
“Let’s just focus on our athletes. With this, my statement will be not only for us to ‘we win as one’ but ‘we stand as one’ in hosting this SEA Games,” wika ni Tolentino. “All these problems have solutions and they are being addressed and being solved,” dagdag nito.
Nakatakdang pormal na magbukas ang 11-nation sportsfest sa PHL Arena sa Bocaue hanggang sa magtapos ito sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Lalaruin din ang 16 events sa Clark, 12 sa Subic sa Zambales, 2 sa Tagaytay at tig-isa sa La Union at Batangas.





Comments