top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Nobyembre 28, 2019 (Huwe­bes)

Maestro Honorio Ong
Nov 28, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2019 (Huwe­bes): Huwag kang mata­kot sa mga hamon ng iyong kapalaran dahil ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pag­silang na ang pananalo ay palaging mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo. Mag­sabi ka at huwag nang pakahabaan pa ang mga sasabihin mo dahil hindi makatatanggi sa iyo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-23-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simpleng lakas ng loob ang iyong kailangan, pagkatapos ay mabilis na kikilos ang langit at magdaratingan sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-25-35-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit maging mabagal ka, ga­ganda pa rin ang pang­yayari sa iyong harapan kaya huwag kang magma­dali. Mas maganda ang kalmado kaysa agresibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-24-28-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi nawawa­la ang mga su­werte mo, ang totoo, naghihintay lang ito na makitang buo ang loob mo at mabilis na magsisidapo ang mga ito sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-26-28-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mang­­hiram ka ng susi ng tagum­pay, ibig sabihin, tularan mo ang mga nag­tagumpay na. Hindi masama ang mang­gaya, lalo na kapag ang pag-uusapan ay pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-16-18-26-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sisigla ka. Ga­mitin mo ang iyong sigla para sa pag­papaganda ng buhay mo. Huwag mo itong sayangin at hayaang mapunta lang sa walang kuwentang mga aktibidad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-20-21-24-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikita mo ang iyong mga kahinaan ngayon. Isang magandang pagkakataon ito para maisaayos mo ang mga dapat ayusin sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-28-30-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Susuwertehin ka sa mga araw na ito. Hindi man gaanong kalakihan at karamihan, sapat na ito para masabi mo sa sarili mo na ikaw ay minamahal ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-20-21-28-30.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22 -Dec. 21) - Hu­wag kang mag­sasawa na tulungan ang mga nagsisilapit sa iyo da­hil ito ay isa sa katung­ku­lang iniatang sa iyo ng langit, gayundin, ikaw ay palaging pinagpa­pala. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-16-18-27-28-34-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo simulan ang pagpapaganda ng buhay mo dahil ang mga bituin ay nagbabantay sa iyo na kapag tatang­la­wan ka hanggang sa ganap kang yumaman nang todo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-18-21-23-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon. Ingatan mong matangay ka ng maku­kulit at mapagpilit. Pa­iralin mo ang mataga­lang pagsusuri sa moti­bo ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-17-20-21-24-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ang loob mo kapag dumikit ka sa malalakas ang loob. Susuwertehin ka kapag tinularan mo ang kanilang mga pananaw sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-23-28-39-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page