Fiance, hindi makapag-ipon para sa kasal dahil nauubos sa pamilya pati pera ng girl naggagastos pa
- Roma Amor
- Nov 28, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Engaged na kami ng boyfriend ko, pero hindi kami makapaghanda para sa kasal dahil hanggang ngayon ay nakadepende pa rin sa kanya ang pamilya niya at umaabot sa point na ‘yung suweldo ko ay nagagastos para sa pamilya niya. May sarili na siyang bahay, pero nakatira ru’n ang parents niya at pamilya ng mga kapatid niya. Grabe, nai-stress ako dahil hindi ko alam kung paano namin pagkakasyahin ang income namin. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? —Ashley
Ashley, Naku, sis, napakahirap naman ng sitwasyon n’yo, gayung hindi pa kayo kasal at wala pa kayong sariling pamilya ay hirap na kayo sa pagma-manage ng kita ninyo. Dapat n’yo ‘yang solusyunan ngayon pa lang. Kausapin mo ang BF mo at ipaliwanag ang nararamdaman mo. Dapat niyang maintindihan na hindi sa nagdadamot kayo sa kanyang pamilya pero kung mag-uumpisa na kayo sa pagbubuo ng sarili ninyong pamilya, dapat maging prayoridad niya ang magiging buhay n’yong dalawa at ng mga magiging anak ninyo. Huwag kang matakot, beshy. Kaya mo ‘yan!





Comments