Dahil sa baril.. Sekyu todas sa kapwa sekyu
- Jeff Tumbado
- Nov 28, 2019
- 1 min read

Patay matapos pasabugan sa bibig ang isang sekyu ng kanyang kabaro sa Sta. Rosa, Laguna.
Pinagbintangan umano ng suspek na si Jerry Angeles ang biktimang si Almond Sardeng na nagnakaw ng kanyang baril.
Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin ng suspek si Sardeng na tinamaan sa bibig at dibdib.
Tinangka pa ng suspek na tumakas at nanlaban sa mga rumespondeng pulis ngunit, siya ay napatay.
Sa salaysay ng isa pang guwardiya, siya ang unang tinangkang barilin ng suspek ngunit, nakaiwas siya hanggang sa komprontahin din nito ang biktima.





Comments