top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Carry over sa pick 6

Ding Taboy
Nov 28, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong gabi ang 7 karerang kasabay ng carry over ng Pick 6 sa tagpong magaganap sa Metro Manila Turf Club Inc.sa Malvar, Batangas.

Yes, mga kapanalig carry over sa Pick 6 ng P173,511.36 kasabay na magaganap ang Winner Take All (WTA) Pick 5 at Pick 4. Paghandaan din ng Bayang Karerista ang Trifecta, Quartet, Pentafecta ay Super 6.

Sa Race 1, magsisimula ang WTA kasabay ng Trifecta at Quartet, pinapaboran ang Fly Like an Eagle at magsisilbing tatalo ay ang Artikulo Uno at banta rin ang couple entry na Born unto Battle at Dangerous Willie.

Sa Race 2 magaganap ang carry over na halagang P173,511.36 sa Pick 6 at nakalalamang ang My Destiny at binibigyan ng panalo ang Morning Girl at Musikera. Isama ang couple entry na Chinito at Kusing, Batang Novaliches at Classy Babe sa paratingan ng Pentafecta at Super 6.

Sa Race 3 sa panimula ng Pick 5 magkakalaban sa unahan ang Doughterfod Dragon at Pamato. Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 4 nakalalamang ang Smiling Lady laban sa Laughing Tiger, puwedeng isama sa mga paratingan sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Believe Me, Katana at Damong Ligaw.

Sa Race 5, mahigpit na magkakatunggali ang couple entry na Viva Forever at Professor Jones laban sa couple entry na Stay Ready at Tubig at Langis habang Misaka at Camorra sa Quartet.

Nakalalamang ang Just Mark It at binibigyan ng panalo ang Sorority Girl habang isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Sir Jason, Sweetness at Power Hook sa Race 6. Matibay na paratingan sa WTA at Pick 6 ang couple entry na Rafa at Yoshiko, Magnitude Eight, Alupay Star habang matapang sa laban ang Rosario Princess, isama ang Alhambra sa mga paratingan sa Super 6 sa Race 7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page