Ayaw na raw dumagdag sa mga banat sa ex-mister ng naanakan…Dapa na si Jomari ngayon — Aiko
- Julie Bonifacio
- Nov 28, 2019
- 3 min read

Photo: @jomariyllana (left)
Dasal ni Aiko Melendez na ayusin ng ex-hubby niyang si Jomari Yllana at ng huli nitong karelasyon na si Joy Reyes ang kanilang problema privately.
Sa mediacon ng bagong produktong ini-endorse ni Aiko, ang Theobroma supplement food, hindi nakaligtas ang aktres na makunan ng reaksiyon hinggil sa latest issue kay Jomari kung saan nagsalita na nga ang babaeng iniwan diumano nito at may dalawa pa silang anak.
“Bilang may karelasyon ako ngayon, gusto kong ibigay ang respeto na ‘yun na ayaw kong mag-comment,” initial reaction ni Aiko.
“Pero ang prayer ko, kung anuman ang hinihingi ng bawat partido, sana maibigay, lalo na’t may batang involved.
“Ako kasi, tatay ng anak ko si Jomari, although, hindi kami on speaking terms, I’d like to give it to them, to solve it privately. And, my heart goes to the kids because I am a mother too. Sana, maayos na at maibigay na ‘yung nararapat para sa mga bata.”
Hindi itinanggi ni Aiko na kapag may ganitong isyu about Jomari, naaapektuhan din ang anak nilang si Andre na 21 yrs. old na pala ngayon.
“Of course. Of course. In fact, last night I spoke to my son and he asked me, ‘Mom, are you aware of what’s happening?’
“Sabi ko, ‘I heard,’ and I just told him, ‘Uh, whatever it is, kung ano’ng meron kami, siguro, that’s the reason why I’m blessed and I work hard para maiwasan ko ‘yung ganitong isyu rin. Siguro, kaya rin ako bine-bless ng Panginoon ng maraming trabaho para sa mga anak ko, para maibigay ko kung ano ‘yung best para sa mga anak ko.”
Never daw siyang nagsalita ng masama tungkol kay Jomari at sa isa pang tatay ng anak niya na si Martin Jickain dahil ayaw niyang masira ang respeto nina Andre at Marthena sa kani-kanilang tatay.
“There’s so many things I wanna say right now, inside my heart and I feel for my son, the right of my son. But, I’d rather keep it to myself, and I’d rather sacrifice that feelings inside my heart because it’s my respect for my son. Because I don’t want them to grow up in such a way that they will hate their fathers.
“I always would want to think pa rin and remain ‘yung happy times namin ni Jomari. Kasi in the same way, gusto ko rin si Jomari, kapag nakakausap niya si Andre, hindi niya ako iba-bad mouth.”
Ayon pa kay Aiko, “Siguro sa akin, I talk about child support, ‘di ba? So, sa akin kung may kusa, thank you. Kung wala, hindi ako namimilit.”
Ayaw daw magtanim ng sama ng loob ni Aiko dahil feeling niya, she’s so blessed.
“There’s no room for hatred. Siguro, it pays to be happy and to live a good life and when you have God in your life, there’s no place for hate. Parang kung maghe-hate pa ako and titingnan ko, kumbaga, DAPA na si Jomari ngayon, eh, because of the accusations being hurled at him. And in the same way, I feel for Joy because babae ako, eh, and nanay din ako, ‘di ba?”
Sa kabila nito, ayaw daw pumagitna ni Aiko dahil gulo raw nina Jomari at Joy ‘yun.
Anyway, malaki ang bilib ni Aiko sa bagong product na ini-endorse niya. Kasi raw, bago pa man siya kinuha para maging Theobroma ambassadress ay bumili na siya nito nang i-recommend ng kaibigan niyang si Direk Peter Serrano after she felt something not good on her body.
“Then, he started sending me ‘yung company profile ng Theobroma, what is it made of? It’s made of cacao and sabi pa niya sa akin, ‘Marse, wait, there’s more. It will help you lose weight.
“Eh, siyempre, ‘yung losing weight sa akin, parang naging magic to my ear. Because aside from Theobroma, meron din silang coffee in line which helps you lose weight. Tapos, sabi ko, try ko muna ang Theobroma.”
After that, sinubukan daw niya ang Theobroma. Pagkalipas ng tatlong araw, napansin niya na “pang-dalaga” na ang kanyang blood pressure.
“Totoo ‘yan. May witness ako ng conversation namin. I hope someday maipakita ko ‘yung conversation namin, para I can attest na you know, I’m not just being paid to endorse this product but I have so much belief in this product,” diin pa ni Aiko.





Comments