top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ang tanging lalaking naging proud sa kanya kahit bakla siya… Wish ni Vice para kay Ion: Magsama tayo

  • Vinia Vivar
  • Nov 28, 2019
  • 1 min read

Nakakakilig at sob­rang touching ang birthday message ni Vice Ganda para sa boyfriend na si Ion Perez na ipinost sa kanyang Instagram account kahapon.

Sa bawat linya ng nasabing mensahe ay ramdam na ramdam mo ang sinseridad ng pag­ma­mahalan nila habang iniisa-isa niya ang mala­king nagawa ni Ion sa buhay niya.

“Ang tagal ko ring na­ging malungkot ha­bang nagpapasaya. Ang tagal ko ring lihim na umiiyak habang nag­papatawa. Ang tagal kong ininda ‘yung mga sakit na pi­nag­daanan ko. Hanggang nakilala ko s’ya.

“Lahat, biglang nagbago. Sinagip n’ya ‘ko bago ‘ko tuluyang malunod. Binu­ra n’ya lahat ng hinanakit. Naging ma­tamis ‘yung dating ubod nang pait. S’ya lang ‘yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. S’ya lang ‘yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.

“S’ya lang ‘yung may kamay na huma­hawak sa ‘kin kahit may ibang nakatingin. S’ya lang ‘yung yumakap sa ‘kin na ‘di nagtatago sa dilim. S’ya ‘yung minahal ko na ‘di nahiyang maha­lin din ako.

“Kaya panalangin ko po, Lord, pro­tek­tahan n’yo po s’ya sa anumang puwedeng makapanakit sa kanya. Na­wa po’y lagi s’yang nakangiti at ma­saya. Sana po, ipahintulot ninyong ha­bambuhay ko s’yang makasama. Kasi po mahal na mahal ko s’ya,” mensahe ni Vice Ganda na may hashtag na “HappyBirthdayIon.”

Inulan ng likes at positive comments ang nasabing post hindi lang ng mga netizens kundi maging ng mga kapwa-artista, which means suportado rin talaga ng marami ang pagmamahalan nila ni Ion.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page