Sunud-sunod na nawala.. 7 kabataan, tinangay ng van

Kinumpirma nina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Pasay Police Chief Col. Bernard Yang ang kaso ng pitong nawawalang indibidwal kabilang ang ilang menor-de-edad sa lungsod.
Ani Col. Yang, nagpunta sa kanyang tanggapan ang mga magulang ng pito katao na may edad 15 hanggang 22 na nawawala pa nitong Nobyembre 20, simula pa ng umaga hanggang gabi nitong Lunes.
Sa inisyal na ulat, sinasabing dinukot ng Hi-Ace Van at kotse sa magkakahiwalay na insidente ang mga biktima.
Nakipagkoordinasyon na rin ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) upang matunton ang mga may-ari ng sasakyan na ginamit sa umano’y pagdukot.
Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na makipagtulungan at kung may impormasyon ay tumawag sa Pasay Hotline 8883 11544, 09989674527, 775 85746, 09178672263.





Comments