Pension house nasunog, 6 patay

Anim ang patay sa sumiklab na sunog sa isang pension house sa Downtown Area ng Bacolod City, Negros Occidental.
Ayon kay Fire Chief Inspector Publio Plotena, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi na hindi nakalabas nang masunog ang 4-palapag na gusali.
Nabatid na nagsimula ang sunog alas-4:40 kahapon ng madaling-araw at naapula pasado alas-8:00 ng umaga. Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala sa nabanggit insidente. Nabatid na mayroon pang mga tao sa iba’t ibang palapag ng gusali na lumikas sa kasagsagan ng sunog pero, hindi pa madetermina ang bilang ng mga guests sa pension house.





Comments