top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Call center agent, tiklo sa droga

Gina Pleñago
Nov 27, 2019
1 min read

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit P160,000 halaga ng hinihinalang shabu at cocaine sa isang call center agent sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Pasay City Police Chief, Col. Bernard Yang, ang nahuling suspek na si Paolo Quisumbing, 25, call center agent ng Bgy. Bangkal.

Nahuli ng mga tauhan ng Intelligence Section sa pangunguna ni P/SSgt. Bob Salahid ang suspek sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Service Road Bgy. 8, Zone 2, alas-12:30 ng madaling-araw. Nauna rito nakatanggap ng tawag ang pulisya kaugnay ng nagaganap na bentahan ng droga sa naturang lugar. Namataan ang suspek sa kahina-hinalang kilos kaya sinita ito kung saan narekober ang selyadong pakete na naglalaman ng umano’y shabu na tumitimbang ng 0.6 gramo na nagkakahalagang P4,080; isang ziplock bag na may cocaine na may timbang na 28 gramo at tinatayang P156,800 at gray KIA Rio Sedan. Nananatiling tikom ang suspek sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page