top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Bus nahulog sa bangin, 8 nadale

  • Jeff Tumbado
  • Nov 27, 2019
  • 1 min read

Photo: Abs-cbn News

Walong pasahero ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong bus sa bahagi ng Andaya Highway, Bgy. Magais, Del Gallego sa Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Sangkot sa insidente ang bus na pagmamay-ari ng Alps na may biyaheng Maynila galing ng Iriga City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpagewang-gewang ang bus bago bumangga sa concrete barrier ng highway at mahulog sa bangin pasado alas-10:00 ng gabi. Isinisisi ang nasabing insidente sa madulas na kalsada sanhi ng malakas na ulan.

Dinala sa Tagkawayan District Hospital sa Quezon ang mga nasugatang pasahero ngunit, inilipat din sa isang ospital sa Naga City.

Hawak na ng Del Gallego Municipal Police Station ang konduktor at drayber ng bus at nahaharap sa patung-patong na kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page