top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

‘Di na kailangang pumila.. Transaksiyon sa Gobyerno, online na

Mylene Alfonso
Nov 27, 2019
1 min read

Upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa paligid ng Manila City Hall, magpapatupad si Mayor Isko Moreno ng online business system para sa mga may transaksiyon sa lungsod.

Nasa 2,000 katao ang nagtutungo sa city hall kada araw upang magbayad ng kanilang buwis sa negosyo, amilyar at iba pa.

Bukod pa rito ang mga nagtutungo sa mall, universities, condominium buildings at iba pang business establishments sa paligid ng city hall na nakakapag-ambag din ng malaki sa malalang trapik.

Kapag umarangkada na ang bagong online system, hindi na kailangan pang dumagsa ang publiko sa city hall dahil maaari na nilang gawin ang transaksiyon sa kani-kanilang tahanan gamit ang internet.

Ang online system ay sasakop sa mga bayaring kinabibilangan ng buwis tulad ng business at property taxes.

Makatitipid din ang publiko sa oras at pera dahil hindi na sila kailangang pumunta sa city hall at mamasahe upang magbayad ng mga kaukulang bayarin.

Samantala, ayon kay Marlon Lacson ng City Assessor, may 390,000 real property units sa lungsod kabilang na ang building and machineries.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page