top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sangkot sa holdapan.. Taxi driver, huli

Gina Pleñago
Nov 26, 2019
1 min read

Timbog sa follow-up operation ng mga operatiba ng Pasay City Police ang taxi driver na kabilang sa nangholdap sa 21-anyos na Chinese call center agent sa Pasay City, kamakalawa.

Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Bernard Yang ang suspek na si Erik Icban, 44.

Ayon kay Yang, dalawang lalaki ang biglang pumasok sa passenger seat at biglang tinutukan ang babaeng dayuhan at nagdeklara ng holdap.

Nagawa pang manlaban ng biktima sa mga holdaper kaya nagtamo ito ng saksak.

Nakapagsumbong ang biktima sa presinto na agad namang nagresponde sa naturang lugar.

Namataan ang taxi sa bahagi ng Macapagal Boulevard sa Pasay kung saan narekober sa driver ang ID ng biktima, patalim at granada.

Sa pulisya, depensa ng suspek, binantaan lang siya ng mga holdaper na makipagtulungan dahil binalaan siyang mapapahamak ang kanyang pamilya kapag hindi siya sumunod.

Patuloy na tinutugis ang mga kasabwat ni Icban at mahaharap sila sa kasong robbery at illegal possession of explosives and bladed weapons.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page