Nabubuntis, para ‘di raw dumami.. Mga bata, payagang mag-condom, pills
- V. Reyes
- Nov 26, 2019
- 1 min read

Pinabibigyan ng access sa paggamit ng contraceptives o birth control kahit ang mga menor- de-edad sa bansa.
Isinusulong ito ng Commission on Population and Development (POPCOM) sa gitna ng patuloy na paglobo ng bilang ng kabataang maagang nabubuntis o teenage pregnancy.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Perez III, makabubuting amiyendahan na ang kontrobersiyal na probisyon sa Reproductive Health Act na nagsasaad na kailangan pa ng pahintulot ng mga magulang bago makakuha ng contraceptives tulad ng condom at pills ang kabataan.
Ipinaliwanag ni Perez na nananatiling sexually active ang mga kabataan, samantalang, ayaw naman nilang makabuntis o maging magulang agad.
Tinukoy ni Perez na dapat bigyan ng access sa birth control ang mga kabataan na mayroon ng anak upang hindi ito agad masundan.
Karaniwan aniya kasi na kahit nakaranas na ng hirap sa pagtataguyod ng naunang ipinagbuntis, nasusundan agad ito na lalong nagpapahirap sa kanilang buhay.
Tinawag ng POPCOM na emergency ang usapin ng teenage pregnancy dahil nasa 1.5 milyon na ang nadaragdag sa populasyon ng Pilipinas bawat taon.
Sa kanilang pagtaya, nasa 200,000 nasa edad 10 hanggang 19 ang nanganganak kada taon.





Comments