top of page

Malakas na lindol, sign na dapat nang mag-asawa

  • Socrates Magnus
  • Nov 26, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Au ng Au_Reen @facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na lumindol nang malakas, tapos nagkaroon ng malaking crack sa dingding ng bahay namin? Pinigil ko ‘yun kasi malapit nang gumuho, pero hindi naman nagiba. May sinabihan akong babae na hindi ko kilala at may maliit na anak na magigiba ang bahay, pero hindi nila ako pinansin. Thank you very much and God bless!

Naghihintay, Au

Sa iyo Au, Halos araw-araw ay lumilindol sa Pilipinas, pero kahit sa ibang bansa, lalo na ang mga bansang malapit sa atin, nakararanas din ng mahina at malakas na paglindol.

Lindol din ang laman ng mga usapan sa balita at social media. Minsan ay parang may magandang bagay na naidudulot ang paglindol, kumbaga, hindi na magpa-panic dahil hindi na masosorpresa.

Pero sino ba naman ang hindi matatakot sa sandaling lumindol, aalog ang lupa, yayanig nang malakas, babagsak ang mga bahay at gusali?

Alam mo, iha, hindi lang ikaw ang nakakapanaginip ng lindol dahil sa totoo lang, napakarami nang nag-message sa atin na nagsasabing nanaginip din sila ng lindol. Sa biglang tingin, wala namang kahulugan ang mga ito kundi sila ay naapektuhan ng mga balitang may kinalaman sa lindol.

Marami sa kanila ang nanaginip ng lindol na sa maniwala ka o hindi ay mga single mother o solo-parent. Marami rin sa hanay nila ay mga babaeng breadwinner sa kanilang pamilya.

Dahil ang mga ganitong klase ng tao ay nagkukunwaring matapang pero deep inside ay duwag din naman na nagkukunwaring malakas. Kaya lang, wala naman silang magagawa kundi ipakita na matapang at matatag sila dahil sa kanilang sitwasyon kung saan sila ay solo-parent o breadwinner at kailangang maging matatag sila para sa pamilya.

Ang payo para sa kababaihan na nanaginip ng lindol tulad mo, there is a need na maghanap ng partner in life o ikonsidera ang pag-aasawa. Sana, Au, maunawaan mo ang mensahe ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page