top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Jones bridge, binuksan na ulit

  • Isko Moreno
  • Nov 26, 2019
  • 1 min read

Kahapon ay pormal na ulit nating binuksan ang makasaysayang Jones Bridge at sa awa ng Diyos ay hindi lamang ito muling mapakikinabangan ng mga mananakay ngunit, isang bagay din ito na ikatutuwa natin at maipagmamalaki sa buong mundo.

Nais nating pasalamatan ang mga tumulong na maisaayos ito, ang maibalik ang kanyang kinang. Sa Philippine Chinese Chamber of Commerce, Inc., kina Mr. Jerry Acuzar, DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Director Cecil Romero. Maraming salamat po sa inyong tulong!

Ang panawagan lamang natin sa ating mga kababayan, ingatan at panatilihin natin ang kaayusan nito nang sa gayun ay hindi lamang tayo ang makinabang kundi maging ang susunod na henerasyon.

Kung kinakailangan ay bantayan natin ito at huwag payagang marumihan o mababoy ito ng ilan sa mga pasaway nating kababayan.

◘◘◘

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng nakiisa sa 5th National Bicycle Day noong Linggo, Nobyembre 24, 2019.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Department of Public Services (DPS) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), katuwang ang National Bicycle Organization.

Nagsimula ang sabayang pagbisikleta sa Quezon Memorial Circle ganap na alas-5:00 ng umaga at nagtatapos sa Liwasang Bonifacio sa tapat ng Post Office sa Maynila.

Hanggang sa susunod, tulung-tulong tayo na maibalik at mapaganda ang air quality sa Maynila gamit ang pagbibisikleta bilang mode of transportation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page