top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Nobyembre 26, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Nov 26, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2019 (Martes): Marami kang mararating na magagandang lugar na magbibigay sa iyo ng pag­ka­kataon na mapaganda ang buhay mo. Ito ang ka­hu­lugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbabalik ang maya­mang imahinasyon mo. Gamitin mo ito sa kung paano mapauunlad ang buhay mo. Iwasan mo itong magamit sa aktibidad na walang kinalaman sa pag­papayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-33-36-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dating-lisan ang mga suwerte. Ka­pag dumating sa buhay ng tao. dapat itong mahalin at pahalagahan na huwag ila­gay sa mga aktibidad na ma­sasayang lang. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-20-25-26-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi ga­anong kalayu­an, kailangan mong magpunta sa ibang lugar. Sa ganito, muling ma­nanariwa ang iyong galing at ang masayang balita na babalik ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-21-28-30.

CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa mga aral sa buhay na iyong natutunan. Hindi ka magkakamali at hindi ka maliligaw. Ang karanasan ay ang pinakamagaling na guro at gabay sa buhay ng tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-17-22-25-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Limi­tahan mo ang takbo ng isipan mo, ituon mo ito sa kung paano mapabibilis ang pagyaman mo. Kapag may ibang bagay na sumi­singit sa isipan mo, huwag na huwag mo itong papan­sinin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-18-27-29-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka kaka­pusin sa talino, pero kakapusin ka sa pagkilos. Ang payo sa iyo ay nagsasabing, gawin mo ito agad nang mabilis dahil ito ang susi sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-24-26-41-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong kaloo­ban. Ang mga nararanasan mo sa ngayon na akala mo ay hindi ma­ganda ay pagsasaayos lang ng kapalaran na kailangang maranasan ng bawat tao. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-24-28-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umiwas ka sa alam mong magpapahamak sa iyo. Mas maganda na si­ka­pin mong malaman ang tu­nay na motibo ng nagpa­pa­kita sa iyo ng pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-16-27-30-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Buksan mo ang komuni­kas­yon mo sa mga nasa malayo sa iyo. Sa paki­kipag-ugnayan sa kanila, ma­rami kang matututunan at marami ring mga paki­na­bang na mapasasaiyo. Ma­suwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-26-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka ayon sa payo sa iyo ng mala­pit sa puso mo. Huwag kang matakot dahil mapabubuti ka kung susundin mo ang kanilang mga payo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-14-16-22-26-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malikot ang isip mo ngayon at kung anu-ano ang maiisip mo pero ang masayang balita ay nag­sasabing, sasaya ka at ma­pasasaya mo ang mga bik­tima ng malikot mong isi­pan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-14-17-21-25.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Sino naman ang ma­lalasin? Sino pa nga ba kun­di ang mga naghahangad na mabigo ka. Silang lahat ay sama-samang mapapa­hiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-25-34-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page