top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Young Azkals, start na ang kampanya sa SEAG

  • A. Servinio
  • Nov 25, 2019
  • 1 min read

Kalilimutan muna ng mga koponan ang mga gusot at aberya ng mga nakaraang araw at magtutuon na ng pansin sa makasaysayang Rizal Memorial Stadium sa pagsimula ng torneo ng Men’s Football ng 30th Southeast Asian Games. Handa na ang mga Young Azkals sa kanilang unang pagsubok laban sa Cambodia simula 8:00 p.m.

Kabilang sa mga aasahan na pambato ng Pilipinas na maghahatid ng mga goal ay sina kapitan Stephan Schrock, Jarvey Gayoso, Chima Ozuka at Yrick Gallantes. Ang depensa ay pumumunuan ni Amani Aguinaldo at ang goalkeeper ay si Anthony Pinthus na natuklas sa liga sa Switzerland.

Pormal na bubuksan ang torneo sa tapatan ng 2017 silver medallist Malaysia at semifinalist Myanmar sa 4:00 p.m. Ang mga nasabing bansa ay kasama ng Pilipinas, Cambodia at Timor Leste sa Grupo A. Ang Grupo B ang tinaguriang “Group of Death” dahil naroon ang defending champion Thailand, bronze medallist Indonesia, Vietnam, Singapore, Laos at Brunei. Ang mga koponan ay maglalaro ng single round sa grupo nila at ang dalawang pinakamataas ang kartada ay tutuloy sa crossover knockout semifinals.

Matatandaan na tinalo ng Pilipinas ang Cambodia noong 2017 Kuala Lumpur SEAG, 2-0 para sa positibong simula. Hindi nagtagal ang pagbunyi at sumunod ang mga talo sa Indonesia, Vietnam at Thailand bago bumawi ang mga Pinoy sa huling laro kontra Timor Leste, 2-1 salamat sa dalawang goal ni Gayoso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page