Princess Eowyn champ sa KDJM race

Itinanghal ng kampeon ang Princess Eowyn sa katatapos na Klub Don Juan Golden Girl Stakes Race sa Klub Don Juan De Manila Racing Festival na ginanap sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas kahapon.
Walang kahirap-hirap nagkampeon ang Princess Eowyn nang tawirin ang 1,800 meters laban sa mga kalahi. Pumalangawa ang Sooner Time at pumangatlo ang Matrialchal.
Ang nasabing karera ay naging mas madali para kay Princess Eowyn makaraang hindi tumakbo ang dalawang kalaban na Weemissjerre at Trust Me. Nagkamit ng P300,000 ang may-ari ng kabayo na si Don Edong Diokno sa pagkakapanalo at tanghaling kampeon sa naturang laban ang Princess Eowyn.
Nanalo ang kabayong Sky Candy sa katatapos na KDJM Juvenile’Fillies’ Stakes Race makaraang talunin ang mga kalahok Carmela’s Fury, Parokya ni Paolo, Divine Success. Nagkamit ng premyong P300,000 ang Sky Candy at nabiyayaan ng P112,500 ang pumangalawa na Carmela’s Fury, pumangatlo ang Parokya ni Paolo sa P62,500 at nag-uwi ng P25,000 bilang 4th runner up ang Divine Success.
Hindi naging mahirap kay Sky Candy nang kunin nito ang bandera. Sa daloy ng karera tinangkang agawin ng Parokya ni Paolo kay Sky Candy subalit, nabigo ito.
Pagsapit ng huling kurbada ng karera na makasisiguro ang panalo ng alaga ng SC Stockfarm Inc. nang lumayo mula sa pumangalawang si Carmela’s Fury.





Comments