Mayor Sara, 'di kayang banggain… Mayor Isko, pang-VP na lang sa 2022
- Erlinda Rapadas
- Nov 25, 2019
- 1 min read

Dahil sa magagandang achievements ni Isko Moreno sa maikling panahon pa lamang ng pag-upo niya bilang mayor ng Manila, mataas ang naging resulta niya sa mga surveys at posible raw na siya ang maging “manok” ng malalaking negosyante at political leaders upang tumakbong pangulo o bise-pangulo sa darating na 2022 election.
Kahit na nangako na si Yorme Isko sa kanyang mga constituents na tatapusin niya ang kanyang termino bilang mayor ng Manila, still, anything can happen at marami pang pagbabago ang maaaring mangyari.
Kung saka-sakali raw na may ambisyon si Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential seat, puwedeng mag-give way si Yorme Isko at maging VP at ka-tandem na lang ni Inday Sara.
Eh, papaano naman kaya ang plano ng People’s Champ na si Manny Pacquiao na target din daw ang pagiging presidente? Sino kina Mayor Isko at Mayor Sara ang malakas na babanggain ni Pacman?





Comments