Matatabang estudyante dumarami.. Physical activites, dagdagan

Dahil sa hindi na mapigilang paglobo ng bilang ng mga matataba sa bansa, partikular sa mga kabataan ay nagsumite ng panukalang-batas para sa karagdagang physical activities at traditional games sa K to 12 curriculum.
Inihain ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang S. No. 1121, “An Act Providing for the Mandatory Inclusion of Anti-Obesity Education Program and Exercise including Play and Traditional Games, in the Pre-School, Elementary and High School Curricula, Both in Public and Private Schools and Educational Institutions”.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang paglaganap ng sobra sa timbang sa mga batang may edad na 0-5 ay patuloy ang pagtaas at ang average na 0.17% taun-taon sa loob ng nagdaang 24 taon ay umiiral.
Samantala, ang paglaganap ng sobra sa timbang sa mga school-age at adolescent group ay tumaas ng 0.33% at 0.34%, ayon sa pagkakasunod sa loob ng 10 taon.
Kung magiging batas ang panukalang ito, aatasan ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng specially-designed instructions upang maipatupad ang anti-obesity measures bilang bahagi ng pag-aaral at tututukan ang physical health requirements ng mga mag-aaral depende sa edad.





Comments