Magkakaangkas sa motor, nabangga.. 3 bebot todas sa trak
- V. Reyes
- Nov 25, 2019
- 1 min read

Tatlong babae ang namatay nang mabangga ng pick-up truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Jones, Isabela.
Kinilala ang mga nasawi na si Angel Bolusan, ang nagmamaneho ng motorsiklo at mga angkas na sina Evangelyn Salvador at Ann Claire Marie Camarao.
Papuntang sentro ng bayan ang mga biktima nang masalpok ang kanilang motorsiklo ng kasalubong na pick-up truck na umagaw umano ng kanilang linya ng kalsada.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga babae. Bagama’t, naisugod sa ospital, hindi na rin sila umabot nang buhay.
Hawak na ng pulisya ang drayber ng pick-up truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.




Comments