top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Nobyembre 25, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Nov 25, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2019 (Lunes): Kung sa sarili mo lang ay kapos ka at kadalasan ay nagkakamali pa, may tsan­sa pa para gumanda nang tuluyan ang buhay mo. Kikilos ang iyon kapalaran at gaganda ang buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pa­tuloy ang pag­ganda ng tak­bo ng kapala­ran mo, kaya ang mga pag­subok sa iyong harapan ay mahahawi at gagaan ang pag­lakad mo sa landas ng bu­hay na iyong tinatahak. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-26-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Ibina­lik ng langit ang masusu­werteng araw mo nang sa gayun ay mapahiya ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-20-25-39-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama nga­yon. Ito ay nagsasabing, lu­makas ang iyong likas na gayuma. Kikilos ka, parti­kular ang mga kilos mong ma­pang-akit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-22-24-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo ang alok na pa­gandahin ang iyong buhay. Mag-ingat ka rin sa mga may masasamang motibo kung saan sa halip na gumanda ang buhay mo ay pumangit pa ito. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-19-25-28-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ins­pi­rasyon ang nagtutulak sa tao para magpa­tuloy siya sa pagtahak sa landas ng kanyang buhay kung saan ang dulo ay ang katuparan ng mga panga­rap. Kailangan mo ng ins­pirasyon. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-25-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gaganda ang takbo ng iyong kapalaran ka­pag maganda ang takbo ng iyong pakikipagrelasyon sa kapwa. Umiwas ka sa mga hindi pagkakaunawaan at magulong sitwasyon. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-17-27-32-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-alala da­hil magkakato­too sa buhay mo ang nasu­su­lat na ang mga halaman ay hindi napapagod, pero ang ga­ganda ng mga bulak­lak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-31-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahi­nga ka sa tra­baho at mag­saya ka. Ito ang susi ng iyong mas mabilis na pag-asenso. Kapag nakapagpahinga, mas lumalakas ang tao kaysa sa dati. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-20-25-26-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sinupin mo ang mga biyayang nasa kamay mo na at paramihin mo ang iba. Huwag mong kaliligtaan na ang susi sa pag-unlad ay ang pagiging ma­sinop sa kabuhayan. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-18-20-21-25.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang handang umalalay sa iyo. Ang problema lang ay ang takot at nag-aalala ka. Kapag tinalo mo ang takot mo at pagiging negatibo, mabilis ang iyong magiging pag-asenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-19-20-26-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahabulin ka ng mga su­werte kaya umi­was ka. Kapag nakitang kailangang-kailangan mo na, sa ayaw at sa gusto mo, ang mga ito ay magsisidapo sa ka­palaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-21-27-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susunod sa mga kagustuhan mo ang nagmama­hal sa iyo dahil siya ay alipin mo sa araw na ito. Gayun­man, maaaring umiral sa iyo ang hindi mapag-utos at hindi agresibo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-6-17-21-25-26-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page