Tserman, huli sa aktong nagsa-shabu
- Jeff Tumbado
- Nov 24, 2019
- 1 min read

Timbog ang isang barangay chairman matapos itong maaktuhang bumabatak ng shabu sa Gumaca, Quezon, kahapon.
Batay sa report, dinakip sa anti-drug operation ang 39-anyos na chairman ng Bgy. San Diego Poblacion na si Peter Vermont Noscal.
Nabatid na isinagawa ang operasyon alas-3:00 ng madaling-araw sa bahay mismo ni Noscal sa bisa ng search warrant.
Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalagang P2,775 at ilang drug paraphernalias.
Inaalam pa sa imbestigasyon ng pulisya kung sino ang supplier ni Noscal ng ilegal na droga.





Comments