top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sarili muna bago baby… Ai Ai, may psoriasis kaya 'di puwedeng magbuntis

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 24, 2019
  • 1 min read

Para sa amin, good decision na ipagpaliban muna ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang kanyang balak na pagbubuntis lalo na’t may allergies siya (psoriasis) na ginagamot at nagda-diet pa.

Hindi makabubuti sa baby kung hindi physically fit ang kanyang mommy. Ma­laking responsibilidad ang pagbubuntis at pag-aalaga ng baby. Hindi naman puwedeng ipaubaya lang niya sa yaya o nars ang pag-aasikaso sa kanyang magiging anak.

At may punto rin ang kanyang mister na si Gerald Sibayan na tutulan ang baby project nila. At this point of her life, dapat ay stress-free na ang Comedy Queen at mag-relax-relax na lang at mag-enjoy sa piling ni Gerald.

Hindi naman kakulangan sa kanilang pagmamahalan ang hindi pagkakaroon ng anak. Si Ai Ai naman ay may mga grown-up kids na. Huwag na muna niyang hangarin na magka-baby sila ng kanyang mister.

Ang mahalaga ay maganda at smooth-sailing ang re­lasyon nilang mag-asawa. At dahil marami pang balak gawin sa buhay si Ai Ai, hindi nga puwede na isama niya sa kanyang agenda ang pag­kakaroon ng anak.

Makakadagdag pa ito sa stress kung hindi niya ma­gagam­panan ang pagiging ina. Kaila­ngan ni Ai Ai na pa­na­tilihing malakas at ma­lusog ang kanyang panga­ngatawan. Dapat ay si Gerald muna ang kanyang pag-ukulan ng pa­na­hon at atensiyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page