Rollback sa gas

Asahang magkakaroon ng bawas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo. Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, P0.10 ang ibababa sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina.
Sinabi pa ng Shell na nasa P0.10 ang tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.
Ayon sa dalawang kumpanya na epektibo ang kanilang oil price rollback sa Martes, November 26, bandang alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang oil price adjustment.
Ito na ang ikasiyam na sunod na linggong magkakaroon ng rollback sa presyo ng diesel.





Comments