Pumunta ng Quiapo, naka-mask naman… Heart, nagpapakamasa para sa pulitika
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @iamhearte
Naispatan si Heart Evangelista kamakailan na pumunta ng Quiapo. Naka-mask ang aktres at nakasuot ng sumbrero para ‘di makilala.
Ani Heart, type lang niyang mamili ng mga gulay doon at nag-enjoy naman ang misis ni Gov. Chiz Escudero.
Puring-puri ng mga netizens si Heart dahil hindi naman daw pala maarte. ‘Yun nga lang, pansin ng isang netizen, parang nagmamadali sa paglalakad si Heart. Ang kanyang alalay ay parang hinihila pa siya.
Maging ang pagsusuot ng mask ng alalay ni Heart ay napansin ng netizen. Komento nila, “Dapat ba talagang naka-mask pa rin ang julalay?”
Well, siguro, gusto lang ma-experience ni Heart kung paano makihalubilo sa masa. Bilang asawa ng pulitiko, dapat lang na maranasan niya ang lahat ng pakikisama sa mga tao lalo na sa mahihirap.
Kung noon ay ‘di niya naranasang pumunta ng Quiapo dahil ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig, ngayon, ang lahat ay kanyang niyayakap dahil sa pagmamahal sa asawa.
Knows naman natin na ang mga pulitiko ay mas malapit sa mga taong mahihirap dahil sila ang mas higit na nangangailangan kesa sa mayayaman.
May nagtanong tuloy na papasukin na rin daw ba ni Heart ang pagiging public servant tulad ng kanyang mister?





Comments