Palad ng lalaking paulit-ulit na makapag-a-abroad
- Maestro Honorio Ong
- Nov 24, 2019
- 2 min read
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo at medyo marunong na rin akong magbasa ng mga guhit ng palad. Napansin ko na dalawa ang Travel Line sa palad ko at dalawang beses na akong nakapag-a-abroad, pero naubos na ang perang kinita ko sa pangingibang-bansa kaya balak ko sanang muling mag-apply sa abroad.
Ang problema ay hindi ako matuluy-tuloy at hindi ko alam kung bakit maraming aberyang nangyayari. Ibig sabihin ba nito, dahil dalawa ang Travel Lines sa palad ko ay hindi na ako makapagta-travel pang muli?
Kasagutan
Hindi naman ganu’n ‘yun, sa halip, basta malawak at maganda ang pagkakaguhit ng Travel Line (Drawing at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ang itatalang pag-a-abroad ay lubhang magiging mabunga at maaari ring pabalik-balik sa pangingibang-bansa.
Bagama’t, minsan ay binibilang din natin ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na nakikita sa mga palad, subalit ang higit na mas mahalaga tulad ng nasabi na ay ‘yung “quality” o pagiging maayos, makapal at malawak na Travel Line (arrow a,) sa kaliwa at kanang palad.
Halimbawa, isa lang ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na napakalawak at maluwag ang pagkakaguhit ay maaaring hindi nangangahulugan na isang beses ka lang mangingibang-bansa, bagkus, ito ay nagsasabing, ang pangingibang-bansa ay magiging mabunga dahil sa malawak at napakagandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad.
Kapag Travel Line ang pinag-uusapan tulad ng nasa kaliwa at kanan mong palad, hindi bilang o dami ang mas mahalaga kundi ang quality na nangangahulugang gaano ba kalawak, kakapal at kaganda, ang nasabing Travel Line? (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.).
Kung maganda at malawak talaga ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.) tulad ng nasa kaliwa at kanan mong palad, kahit isa lang yan, maaari ring ang kahulugan niyan ay ang walang tigil na mga produktibo at mabungang pangingibang-bansa.
Dapat Gawin
Kaya nga ayon sa iyong mga datos, Ryan, ituloy mo lang ang binabalak mong pangingibang-bansa dahil tulad ng naipaliwanag na, tiyak ang magaganap sa 2020 sa mga buwan ng Enero o Pebrero. Sa edad mong 34 pataas, tuluyan nang matutupad ang ikatlo at isa sa pinakamabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.





Comments