top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

No Fly zone sa SEAG: Vape drone atbp, binabawal!

MC / Eddie M. Paez
Nov 24, 2019
2 min read

Excited na ang mga kabataang Pinoy na mahilig sa sports na makapanood ng 30th Southeast Asian Games, kaya ngayon pa lang ay ilista na ninyo ang mga pinagbabawal na bagay bago makarating sa venue ng palakasan na inyong panonoorin.

Sapagkat, mahigpit na ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) unang-una ay ang paggamit ng vape o electronic cigarette sa mga lugar kung saan idaraos ang sports event ng SEAGAMES.

Sa panawagan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Debold Sinas, wala silang kukumpiskahin sa sinumang may bitbit na vape ng mga gustong manood ng palaro pero hindi sila makapapasok sa venue.

Darakpin naman ng kapulisan ang gumagamit ng vape habang nasa pampublikong lugar lalo na kapag nasa mismong sports venue.

Kaya naman mahigpit na pinaaalalahanan ng PNP ang mga manonood na sumunod sa itinakdang polisiya na inilabas ng security task force. “ Mga kutsilyo, sigarilyo, tubig so maraming bawal ‘yun, clear bag lamang ang pinahihintulutan, bawal ang backpack, bawal din ang laser, sharp objects, mga bote na may tansan, lalo na ang softdrinks pati ang in can, tetra packs, pyrotechnics, posporo, alak at ibang nakalalasing na inumin, narcotics, xenophobic banners or signs, animals, pets, aerosols, pabango, ladders, chairs, lunchboxes, bawal maraming papel, balloon, bawal sports equipment kung ‘di ka naman authorized kahit freesbie bawal din ang bola, drones, mga baon na pagkain at drinks galing sa labas, at other hard items na ide-declare ng organizing committee,” pahayag ni BGen. Sinas.

Maging ang mga dayuhan ay dapat ding sumunod sa naturang mga ipinagbabawal. Sa La Union, ay ipagbabawal din ng alkalde roon ang paggamit ng unmanned aerial view (UAV/drone) habang kasagsagan ng event na surfing. Tanging ang mga organizing officials lamang ang pinahihintulutang gumamit nito.

No Fly zone o walang sasakyang panghimpapawid ang daraan sa ibabaw ng Philippine Arena sa Bulacan at New Clark City sa Tarlac sa Nob. 30 at Dis. 11 sa opening at closing ceremonies 30th SEAG. Iyan ang mahigpit na inanunsiyo naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Martes. Ang paghihigpit ayon sa CAAP, “covering all aircraft and unmanned aerial vehicles (UAVs) or drones, is within three nautical miles and 40 nautical miles for general aviation flights.” Ang no-fly order ay simula ng 6:00 a.m. hanggang 11:00 p.m. Idinagdag pa ng CAAP na ang mga flights sa Clark International Airport ay malayo sa 73 kilometers (km) northeast ng Philippine Arena at 30 km south ng New Clark City.

Samantala, may 90% na mga atleta ng Malaysia ang nabigyan na ng polio vaccine. Sinabi ni Olympic Council of Malaysia (OCM) deputy president Datuk Seri Azim Zabidi na isinagawa nila ang pagbakuna allinsunod sa tagubilin ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na may outbreak ng polio sa bansa. May kabuuang 1,114 na mga atleta at coaches ang Malaysia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page