top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mister na utak sa pagpatay sa asawa’t anak, arestado

Levi Gonzales
Nov 24, 2019
1 min read

Photo: GMA News

Tiklo ng Sta. Rosa City Police Station ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa kanyang asawa at anak sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte, kasong double parricide ang isinampang kaso laban sa akusadong si Ricardo Sta. Ana, 32, at No. 1 Most Wanted ng nasabing lungsod.

Matatandaang, noong March 18, 2016 pinatay ng mga gunman na sina Bryan Infante at Ramoncito Calo ang mga biktimang sina Pearl Helen Bon Sta. Ana at ang kanyang 2-anyos na anak na lalaki. Sa follow-up operation ng pulisya matapos isagawa ang krimen ay naaresto ang mga suspek.

Itinuro nilang mastermind sa pagpatay ang mismong asawang si Ricardo na siyang nag-utos upang patayin ang mga biktima at may palatandaan pang ginahasa pa ang misis nito.

Nakakulong na sa kasalukuyan ang mga akusado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page