top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kotse nag-overtake sa bus.. Mag-asawa niragasa, todas

  • Jeff Tumbado
  • Nov 24, 2019
  • 1 min read

Patay ang isang mag-asawa makaraang mahagip ng kotse sa kahabaan ng national road sa Bgy. Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro.

Kinilala ang mga biktima na sina Ricardo Ladringan, 45, at maybahay nitong si Maribel, 42.

Ayon kay Police Lt. Col. Imelda Tolentino, nangyari ang insidente pasado alas-6:00 kahapon ng umaga sa tapat mismo ng kanilang bahay.

Nakatayo lamang umano ang mag-asawa sa tabi ng highway nang bigla silang mabangga ng isang Toyota Innova na umano’y nawalan ng kontrol habang mabilis na pinatatakbo ng driver na si Roberto San Jose.

Sa himpilan ng pulisya nagpaliwanag si San Jose na nag-overtake umano siya sa pampasaherong bus subalit, hindi na nito nagawang makontrol ang sasakyan hanggang sa mahagip ang mag-asawa.

Sa ospital na kapwa binawian ng buhay ang mga biktima dahil sa tindi ng tinamong sugat sa ulo at katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page