Sinita, pumalag.. MMDA, ginulpi ng driver at konduktor

Photo: MMDA/News5
Sugatan ang isang kasapi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang pagtulungang bugbugin ng driver at konduktor ng bus na kanyang sinita sa bahagi ng EDSA-Ortigas northbound, kahapon ng umaga.
Agad na dinala sa The Medical City si Arvin Gabay, miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA.
“’Yung tao nating nagko-conduct ng clearing sa gilid ng Robinsons Galleria sa EDSA, katuwang po natin ‘yan sa pagmamando ng trapik. Napansin niya ‘yung isang bus hindi umuusad, naghihintay ng pasahero, sinita po niya,” ani MMDA EDSA Traffic Operations Officer 2 Jeffrey Torres sa panayam.
Nagtalo umano si Gabay at mga suspek hanggang sa babain siya ng mga ito at pagtulungang bugbugin.
Napag-alaman na driver at konduktor ng Diamond Star bus na may biyaheng Malanday ang mga nambugbog kay Gabay.
Agad namang naaresto ang mga suspek.





Comments