top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P5 k na multa para sa paniningil sa pasahero ng bayad sa C.R sa mga terminal at istasyon ng bus

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Nov 23, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung tama bang pagbayarin ang mga pasahero ng bus na nagnanais gumamit ng regular na palikuran sa loob ng terminal? — Oliver

Dear Oliver, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 5 ng Republic Act (R.A.) No. 11311 na nagsasabing:

“Section 5. Prohibition on Collection of Fees to Access Sanitary Facilities. — It shall be unlawful to collect fees from passengers for the use of regular sanitary facilities therein. For the purpose of this Act, the concerned passenger must show the paid bus ticket for the day in order to avail of the free use of sanitary facilities”

Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang paniningil ng bayad mula sa mga pasahero upang sila ay makagamit ng regular na pasilidad tulad ng palikuran sa loob ng terminal, istasyon o hintuan ng pampublikong sasakyan ay ipinagbabawal. Upang ang pasahero ay makagamit ng nasabing pasilidad nang walang bayad, marapat niyang ipakita ang binayarang tiket ng bus.

Kaugnay nito, ayon sa Section 7 (a) ng nabanggit na batas, ang may-ari, operator o administrador ng mga terminal, istasyon, hintuan o lugar ng pahingahan para sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan, maging ang may-ari, operator o administrator ng mga terminal ng roll-on roll-off (RORO) na lalabag sa nabanggit na probisyon ay pagmumultahin ng P5,000 sa bawat araw ng pagsuway sa nabanGgit na batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page