Obyus daw sa malaking tiyan… Sofia, pinagpipistahang buntis
Beth Gelena / Bulgary Files

Matagal na ring walang balita sa Kapamilya young actress na si Sofia Andres. Dati ay napaka-active niya sa social media, bawat nangyayari sa kanyang buhay ay ibinabahagi niya, lalung-lalo na ang tungkol sa love life.
Pero kamakailan ay may larawan ni Sofia na lumabas mula sa TikTok site na kuha ng isang netizen at ibinahagi sa Twitter. Medyo chubby ang magandang aktres kung saan nakasuot siya ng black at pinatungan ng mahabang coat na kulay light brown.
Tanong ng mga netizens, preggy daw ba si Sofia?
“Hindi ako naniwala or something na pregnant s’ya ‘til I saw this. Nalilito na tuloy ako. Dumagdag pa ‘yung nasa Australia siya for a long time and ‘di na s’ya nagpo-post ng whole body picture n’ya knowing na ma-post siyang tao.”
“Whoa, is Sofia Andres really pregnant??? ‘Di ‘yan belly ng busog lang, eh… If she is indeed pregnant, it’s nice to know she decided to keep the baby. I don’t even like her but she looks blooming… Hiyang.”
May nagsasabi pang baka raw tuluyan nang mag-quit sa showbiz ang aktres at sa Australia na manirahan.
If ever totoong preggy si Sofia ay tanggap naman daw siya ng well-off na family ng kanyang boyfriend.
Sa latest IG story nga raw ni Sofia kasama ang mga kaibigan ay halata nang preggy siya. At manas na rin daw ang face ng aktres.





Comments