top of page
Pokwang.jpg

Kaugnay ng sobrang singil.. Mga pasahero ng grab, may P1.50 refund

BRT
Nov 23, 2019
1 min read

Ibabalik ng Grab Philippines sa kanilang mga pasahero ang nasa higit P5 milyong bahagi ng kanilang bayad-multa sa Philippine Competition Commission (PCC) dahil sa umano’y mataas na singil sa pasahe.

Kamakailan nang pinagbabayad ng P23.45 milyon ang Grab dahil mas mataas ang siningil na pasahe nito kaysa sa itinakda ng PCC. Ang higit P5 milyon sa multa ay kailangan umanong ibalik sa mga pasahero.

Sa pagtataya, makatatanggap ng refund ang nasa tatlong milyong naging pasahero ng Grab mula noong Pebrero hanggang Mayo 2019. Nasa P1.50 ang tinatayang matatanggap ng bawat apektadong pasahero.

Samantala, maaaring mas malaki ang maibalik sa mga mas madalas na nag-book, ayon sa Grab.

Paliwanag ng Grab, lumagpas man sila sa itinakda ng PCC na pamasahe, nakasunod pa rin sila sa itinakdang fare matrix ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ibabalik ng Grab ang refund sa pamamagitan ng kanilang Grab Pay wallet.

Hindi pa naitatakda ang araw ng refund, pero mangyayari umano ito bago ang Marso ng susunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page