top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ka-live-in nang 3 yrs., hindi dapat panghinayangan kahit gusto nang makipaghiwalay dahil hindi ka-co

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 23, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, Gusto kong malaman kung magkakahiwalay ba kami ng asawa ko? Gusto na niya akong hiwalayan at hindi ko alam kung bakit o kung may third party? Nang huli kaming nagkausap, palagi niyang sinasabi sa akin na maghiwalay muna kami para maging maayos ang buhay niya. Parang gusto niyang palabasin na ako ang nakakagulo sa buhay niya? September 13, 1986 ang birthday ko at October 10, 1985 naman ang mister ko. Ano sa palagay n’yo, magkakahiwalay kaya kami at kung oo, makapag-aasawa pa kaya ako at magkakaroon pa ako ng masayang pamilya? Hindi pa naman kami kasal, pero nagsasama na kami na parang mag-asawa sa loob ng tatlong taon.

Umaasa, Benilda ng San Policarpio, Eastern Samar

Dear Benilda, Kung gusto ka nang hiwalayan ng asawa mo, bakit hindi mo siya pagbigyan? Sabihin mo na kung saan siya masaya ay gawin niya. Basta ang mahalaga ay susustentuhan niya ang pag-aaral at pagpapalaki sa mga bata kung sakali mang may mga anak na kayo.

Ganyan ang pag-aanalisa dahil hindi kayo masyadong compatible dahil ang iyong asawa ay Libra at ikaw naman ay Virgo. Bagama’t, magkatabing zodiac signs ang Virgo at Libra, ang ganitong relasyon ay kadalasang naitatalang masaya at masarap lamang sa simula, pero kadalasan ang ganitong relasyon ay pansamantala lamang. Dahil ang pagsasama ng Virgo at Libra ay pumasok sa ikatlong batas o teoriya ng compatibility na “neighboring attraction” kung saan hindi masyadong matibay o madikit ang nasabing relasyon.

Huwag mong panghinayangan ang walang kuwenta mong asawa kung gusto na niyang humiwalay sa iyo basta ang mahalaga ay sustentuhan ka niya, lalo na kung may mga anak na kayo.

Kaysa naman ang mangyari ay ganito: “Gustung-gusto mo pa rin ang lalaking iyan, gayung totally inire-reject o inietsapuwera ka na niya kung saan parang ikaw ang lalabas na kaawa-awa at habol ka nang habol sa lalaking tahasang sinasaktan naman ang damdamin mo.”

Sa edad mong 33 at maganda ka, sariwa at sexy pa, siguradong makahahanap ka pa ng guwapo, mapera at mas karapat-dapat na lalaki kaysa sa asawa mong walang kuwenta. At dahil 1 ang birth date niya (ang 10 ay 1+0=1) at nagkataong Oktubre pa ipinanganak, siguradong ang babae na ipapalit niya sa iyo ay ngayon lang masaya, pero sa bandang huli ay mamumroblema rin dahil malaki ang posibilidad na muling mambabae ang iyong asawa.

Kapag pormal na kayong nagkahiwalay ng asawa mo, maghanap ka ng lalaking isinilang sa zodiac signs na Taurus, Capricorn, Cancer Pisces o kapwa mo Virgo na isinilang sa mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23 dahil siya ang higit na ka-compatible mo na nakatakdang makasama mo sa pagbuo ng mas maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page