Habang nasa ere sakay ang 342 pasahero.. Eroplano ng PAL nagliyab

Napilitang bumuwelta sa Los Angeles International Airport (LAX) ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) makaraang magliyab ang isang bahagi nito ilang minuto matapos mag-take-off pabalik sa Maynila.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, walang nasaktan sa 342 pasahero at 18 crews at ligtas na nakababa sa eroplano at mabilis na lumipat sa terminal.
Nagdesisyon ang piloto na nakilalang si Triston Simeon na ibalik na lamang sa LAX ang eroplano para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Dagdag pa ni Villaluna, sinagot ng nasabing airlines ang hotel accommodation ng mga pasahero kasama na rin ang pagkain.
Nagbigay ng rescheduling ng flight ang PAL para sa higit 300 pasahero.
Nagpasalamat ang PAL sa mga pasahero dahil sa pakikipag-cooperate nila sa cabin crew habang nagsasagawa ng emergency landing.





Comments