Pagtatago ng kabaklaan, basehan para ma-annul ang kasal
Dear Chief Acosta, Kilala ko ang sarili ko at palagay ko ay hindi na ako mahal ng asawa ko. Ang ikinagulat ko ay nang magsampa siya ng kasong annulment upang maipawalambisa ang kasal namin. Sinasabi niyang ako raw ay “bakla”. Alegasyon niyang nakita raw niya akong may kahalikang lalaki at nakikipag-usap umano ako nang magdamagan sa mga kaibigan kong lalaki kaya pinagdudahan niya ang pagkatao ko. Gayunman, walang katotohanan ang kanyang mga paratang at nais kong maisalba ang kasal namin. Mananaig kaya ang kanyang pagnanais na maipawalambisa ang kasal namin? — Danilo
Dear Danilo, Para sa inyong kaalaman, ipinabatid ng Korte Suprema sa pamamagitan ni Mahistrado Ruben T. Reyes sa kasong Manuel G. Almelor vs. Regional Trial Court of Las Piñas and Leonilda Almelor (G.R. No. 179620, 26 August 2008) na kinakailangan ng sapat na katibayan (sufficient proof) para masabi na homosexual ang tao. Sinabi sa kaso na:
“Even assuming, ex gratia argumenti, that Manuel is a homosexual, the lower court cannot appreciate it as a ground to annul his marriage with Leonida. The law is clear, a marriage may be annulled when the consent of either party was obtained by fraud, such as concealment of homosexuality. Nowhere in the said decision was it proven by preponderance of evidence that Manuel was a homosexual at the onset of his marriage and that he deliberately hid such fact to his wife. It is the concealment of homosexuality, and not homosexuality per se, that vitiates the consent of the innocent party. Such concealment presupposes bad faith and intent to defraud the other party in giving consent to the marriage.
Clearly, mere allegation of “homosexuality” is not a sufficient ground under our law to annul a marriage. The same must be proven as fact and that there was a deliberate “concealment” of such fact.”
Dagdag pa rito, sinabi rin sa nasabing kaso na:
“Consent is an essential requisite of a valid marriage. To be valid, it must be freely given by both parties. An allegation of vitiated consent must be proven by preponderance of evidence. The Family Code has enumerated an exclusive list of circumstances constituting fraud. Homosexuality per se is not among those cited, but its concealment.”
Binigyang-diin sa naturang kaso ang mga sumusunod na punto:
“(H)omosexuality per se is only a ground for legal separation. It is its concealment that serves as a valid ground to annul a marriage. Concealment in this case is not simply a blanket denial, but one that is constitutive of fraud. It is this fundamental element that respondent failed to prove.”
Samakatwid, upang maging ground sa annulment ang alegasyong homosexuality, kinakailangang mapatunayan na ang nasabing sexual orientation ay itinago ng asawang lalaki sa babae. Kung ito ay alegasyon lamang base sa mga paratang na walang malinaw na basehan, maaaring walang tuntungan ang basehan na isinampa ng inyong asawa upang maipawalambisa ang inyong kasal.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments