top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga atleta sa SEA Games, sapaw sa P55 milyong kaldero!

  • Ka Ambo
  • Nov 22, 2019
  • 1 min read

Imbes ang pag-usapan ay kalidad ng mga atleta, ang “kaldero” ang “headline” sa media.

Kaylaking kabaliwan!

◘◘◘

WALANG ulat kung sinu-sino ang may tsansa sa gold medal.

Wala ring ulat kung aling bansa ang karibal ng Pilipinas sa overall medal tally!

◘◘◘

NAWALAN ng papel ang mga sports journalists.

Nasapawan sila ng mga political beat reporters!

◘◘◘

SA ganyan pananaw, makikita natin ang kabulukan ng Philippine sports.

Walang ulat tungkol sa mismong sports events!

◘◘◘

WALA raw tiwala ang mga Pinoy sa China.

Pero, mabenta sa mga merkano ang mga produktong “made in China”.

He-he-he!

◘◘◘

SANGKATERBA ang mga Chinese sa ‘Pinas.

Milyones ang ‘tara’ sa mga Immigration officers!

◘◘◘

ANO ang ginagawa ng PNP?

Waley!

◘◘◘

NAGKAKAMAL ang pulisya ng tongpats sa lahat ng klase ng sugal sa paligid.

At malamang ay maitalaga bilang bagong PNP chief ay indorso ng mga gambling lords.

Kaawa-awa naman si P-Digong!

◘◘◘

IBINAWAL na ang imported rice.

Salamat sa mga ismagler!

◘◘◘

HALOS araw-araw ay nililindol ang Mindanao.

‘Yan ay aktuwal na “duyan ng daigdig”!

◘◘◘

BAWAL na rin ang paggamit ng vape.

Nalugi siguro ang international companies na nakabase sa U.S..

Lalong magagalit ang mga Kano!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page