Horoscope | Nobyembre 22, 2019 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2019 (Biyernes): Hahawak ka ng matataas na katungkulan dahil ikaw ay isinilang para mamuno at mamahala. Ito ang nakaguhit sa iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang paparami ang iyong yaman, huwag mong kaliligtaan na dapat ay nakasayad sa lupa ang iyong mga paa. Ang nakasayad ang mga paa sa lupa ay hindi bumabagsak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-31-35-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bawat kilos na gagawin mo ay kilos-papataas. Bakit hindi ka kikilos? Hahayaan mo bang manatili ka na nasa ibaba at hindi umuunlad? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-24.
GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng makatutulong sa iyo para umangat ang buhay mo. Hindi puwedeng wala kang pag-asenso kahit pa sabihin na masarap ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-25-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo ang iniaalok sa iyo kung makatutulong ito sa buhay mo, pero kung wala kang mapapala, bakit mo ito tatanggapin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-25-31-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumanat ka ngayon. Ikilos mo ang iyong katawan nang sa gayun ay lalo ka pang umunlad. Muli, bumanat ka para sa ikagaganda ng iyong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Mauwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-21-25-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong marami ang mga pangarap mo. Sa dami nito, hindi ka na makakakilos. Pumili ka ng isa at tutukan mo dahil makatitiyak ka na malayo ang iyong mararating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-19-20-24-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin at dingding, mawawala ang lungkot mo at ikaw ay sasaya dahil ang salamin ay hindi nagsisinungaling na ikaw ay tunay na mas maganda kaysa sa iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-16-23-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa tapos ang masasayang araw mo at magdaratingan pa ang maraming regalo sa iyo ng langit. Huwag kang tumulad sa marami na hindi sinisinop ang mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-15-20-25-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ay araw mo at ang ilang araw pang darating ay sa iyo rin. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito. Kumilos ka para mas gumanda pa ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-20-21-26-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutulungan ka ng nakatataas sa iyo. Ang mga may sinabi, handa ring alalayan ka at ang mayayaman, nakalaan na ikaw ay paboran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-19-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito kung kailan puwede kang makinabang kung saan ang iyong pakinabang ay marami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-30-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi man karamihan at hindi rin kalakihan ang mga suwerteng mapasasaiyo ay sapat na para masabi mo na ang langit ay hindi bingi sa iyong mga kahilingan at panalangin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-21-28-37-40-44.




Comments