top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ginugulpi, napuno, rumesbak.. Tatay pinagbabaril ng 8-anyos, patay

Jeff Tumbado
Nov 22, 2019
1 min read

Hindi pa rin makapaniwala at isang malaking palaisipan sa mga awtoridad na sa kabila ng bubot na pag-iisip ay nagawang pagbabarilin ng 8-anyos na lalaki ang sarili nitong ama sa Sipalay City, Negros Occidental.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang 39-anyos na magsasaka na si Jessie Obas na dead-on-arrival sa ospital.

Habang ang batang nakabaril sa kanyang ama ay nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare and Development at patuloy na sumasailalim sa counseling.

Ayon kay Police Lt. Col. Necerato Sabando, naganap ang krimen sa mismong bahay ng Pamilya Obas sa Sitio Manluy-a, Bgy. San Jose, pasado alas-10:00 kamakalawa ng gabi.

Umuwi umanong lasing si Obas at agad nitong pinagdiskitahan ang kanyang anak na kasalukuyang gising at sumunod na sinaktan na ang bata.

Gayunman, nang makatiyempo mula sa pagmamaltrato ay kinuha ng bata ang .38 revolver na baril ng ama at sabay ipinutok sa kanya ng tatlong beses.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minamaltrato ng ama ang tatlo nitong mga anak na bata sa tuwing uuwi itong lasing.

Napag-alaman pa na mismong si Obas din umano ang nagtuturo sa kanyang mga anak kung paano gamitin ang baril.

Ang 8-anyos na nakabaril ang siyang bunso sa tatlong magkakapatid.

Wala naman ang kanilang ina sa bahay nang mangyari ang insidente dahil nagtatrabaho umano ito sa Maynila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page