Cotabato niyanig ng magnitude 4.2
- V. Reyes
- Nov 22, 2019
- 1 min read

Niyanig ng Magnitude 4.2 na lindol ang Tulunan, North Cotabato, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City; Intensity III sa Hagonoy, Davao del Sur at Intensity II sa Davao City.
Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City; Intensity II sa Tupi, South Cotabato; Davao City at Intensity I sa Alabel, Sarangani.
Alas-6:31 ng umaga nang maitala ang pagyanig sa layong 13 kilometro ng Tulunan.
May lalim na 10 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Wala nang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o anumang pinsala dahil sa pagyanig.





Comments