Bagyong Sarah, lumakas pa
- V. Reyes
- Nov 22, 2019
- 1 min read

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Sarah habang binabagtas ang hilagang-kanlurang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA, alas-5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 255 kilometers silangang bahagi ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour. Tinatahak ng bagyo ang direksiyong hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Huwebes ng gabi, nang umiral ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Isabela, Cagayan lalo na silangang bahagi nito at Northern Aurora.
Patuloy namang makararanas ng masungit na panahon sa northern at western section ng Northern Luzon bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.
Inaasahang unti-unti nang hihina ang Bagyong Sarah simula ngayong araw. Posible rin itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.





Comments