top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2020 budget para sa mga atleta, oks na

  • Mylene Alfonso
  • Nov 22, 2019
  • 1 min read

Natameme si Senador Franklin Drilon nang sagutin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang mga katanungan nito hinggil sa proposed budget ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa 2020.

Ayon kay Go, chairman ng Committee on Sports ng Senado, wala siyang nakikitang problema sa budget ng PSC dahil igugugol umano ito sa training ng mga atleta para matiyak na makakakuha ng medalya sa mga international competition, hindi tulad ng nagdaang administrasyon.

Pinangangambahan umano ni Drilon na baka mapunta lang sa bulsa ang budget ng PSC tulad ng ipinipilit na overprice umano ang SEA Games Cauldron na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Tiniyak ni Go sa kanyang mga kasama sa Senado na kapag may anomalya sa budget na ibibigay sa PSC o may bahid ito kahit na konting korupsiyon ay magpapatawag agad siya ng imbestigasyon.

Sa huli, sinuportahan na rin ng kanyang mga kasamahan, partikular na ang oposisyon ang hinihinging pondo ng PSC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page