top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Todo-tanggol sa P55-M kaldero sa SEA Games.. Gastos sa EDSA Shrine kinuwestiyon ni P-Digong

  • Mylene Alfonso
  • Nov 21, 2019
  • 1 min read

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumukuwestiyon sa P55 milyong kaldero npara sa Southeast Asian Games.

Hindi naman naiwasan ni Duterte na usisain ang Cory government dahil sa pagtatayo nito ng EDSA Shrine.

Sa harap ng pasintabi ni Duterte sa kabanalan ng imahen ni Mama Mary na nakatindig sa EDSA, tinanong ng Pangulo kung sino ba ang nagpatayo ng naturang rebulto.

“Now, gaano ba talaga kaliit o kalaki ang kaldero? Be sige nga. Sino ba ang pinakamalaking kaldero? Alam ninyo kung sinong pinakamalaking kaldero? National Artist for Architecture 2018. Known as the architect of the following: Coconut Palace, Our Lady of Peace Shrine of EDSA. Shrine? EDSA Shrine? Ito bang EDSA Shrine gobyerno?” wika ng pangulo.

Hindi aniya gobyerno ang dapat bumalikat sa pagpapagawa ng imahen ni Mama Mary sa gitna ng pagkilala ng Simbahan na malaki ang nagawa nito sa pagkakaluklok ng Cory administration. “So just to be — magpasok tayo ng pinilosopo without really negating the holiness of Mama Mary. Sinong naggastos niyan? Kung ang naggastos niyan ang Katoliko. Pero ang naggastos niyan ang gobyerno,” giit pa ni Duterte.

May problema umano kung ang pamahalaan ang gumastos EDSA Shrine dahil nilalabag nito ang doktrina ng separation of Church and State.

Muling iginiit ni Duterte na wala siyang nakikitang masama sa halagang ginugol sa kaldero lalo’t hindi naman aniya pipitsugin ang nagdisenyo nito sa katauhan ni National Artist Francisco ‘Bobby’ Mañosa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page