Sey n'yo? Barbie at Kate, bagong Maricel at Snooky
Nitz Miralles / Bida

Naalala namin ang sinabi ni Director Yam Laranas na isa si Barbie Forteza sa pinakamagagaling na young actresses at gusto sana niyang makasama uli ito sa pelikula.
“She needs a new movie, sayang ang husay niya,” sabi ni Direk Yam.
Nakatrabaho kasi ni Direk Yam si Barbie sa The Road ng GMA Films, kaya alam nito na mahusay ang aktres mapa-drama o comedy man.
Sabi pa ni Direk Yam, gusto niyang mabigyan uli ng chance to work not just with Barbie but also with Alden Richards.
Anyway, after mag-drama sa Kara Mia at magpakilig sa Wait Lang, Is This Love, magko-comedy si Barbie sa bagong primetime series ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Nag-storycon na ang series at sa nakita naming photos, mukhang si Jorron Monroy ang direktor.
Kasama sa cast sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Jay Manalo, Teresa Loyzaga, Kate Valdez, Migo Adecer, Faith Da Silva at Ms. Celia Rodriguez.
Tama ba kami na first time magkakasama sa TV series sina Dina at Maricel? Sa movie version ng Regal Entertainment, sina Snooky at Maricel Soriano ang gumanap na Biday at Waray. Sa TV adaptation ng GMA-7, sino kaya kina Barbie at Kate ang gaganap na anak ni Waray at anak ni Biday?





Comments