Pagiging nice ng lahat, sisimulan natin
Nancy Binay / Be Nice Tayo
Una sa lahat, nais nating sabihin na, it’s nice to be back!
Matagal-tagal din tayong hindi nakapagsulat. Umaasa ang inyong lingkod na sa aming pagbabalik ay may mapupulot kayong makakatulong sa inyo sa pagharap natin sa araw-araw na buhay.
Kung mapapansin, mula sa dating pangalan ng ating column na SERBISYONG TUNAY ay nagpalit tayo sa BE NICE TAYO. Dulot ito ng ating advocacy na ipakalat ang pagiging ‘nice’ sa ating kapwa.
Naniniwala tayong sa pagiging mabait sa isa’t isa ay magiging daan ito sa pagkamit natin ng tunay at makabuluhang pagbabago at progreso.
Sa mga susunod na mga linggo, bukod sa mga update tungkol sa ating trabaho bilang mambabatas, magse-share rin tayo ng mga good news at payo kung paano natin maipamamalas sa kahit maliit na bagay ang pagiging ‘nice’!
◘◘◘
Noong Lunes, karangalan nating buksan sa ating kapasidad bilang chairperson ng Senate Committee on Science and Technology ang exhibit sa Senate para sa pagdiriwang ng 2019 National Biotechnology Week.
Very eye-opening ang exhibit na ito sa mga kontribusyon ng biotechnology sa pagtugon sa mga isyu ng ating bansa tulad ng food security at public health. Napakalaki ng potensiyal ng biotech para mapabuti ang kalagayan ng agrikultura, fisheries at pati na ang pagkakaroon ng mas mabisang mga vaccine para maprotektahan ang kalusugan ng pamilyang Pilipino.
Umaasa tayong magkaroon ng paradigm shift sa ating bansa na nakatuon sa paggamit ng expertise ng ating mga scientists at researchers. Lalo na sa pagharap ng hamon ng climate change, nararapat lamang na gamitin ang mga ito para makapag-adapt tayo ng pagbabago sa ating environment.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments